Mag residente ng Pasacao, Camarines Sur pinaghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar

NAGA CITY –Activated na ang Information Management Team at ang Operation Center ng Pasacao, Camarines Sur dahil sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Jorge Bengua sinabing nakahanda naman sila parati. Inaasahang papasok sa PAR kung hindi mamayang gabi ay Sabado ng umaga Mayo 27, 2023, at tatawaging “Betty” si Mawar. Tuloy namang nakabantay ang PAGASA dahil sa pabago-bagong galaw nito.

Maging ang mga stocks na food packs na nasa Municipal Social Welfare and Development Office at mga evacuation centers hindi naman isinasantabi ng pamahalaan. Lagi namang prayoridad ang Barangay ng Santa Rosa Del Sur, dahil prone ito sa landslide, ganun din ang Barangay ng San Cirilo, Quitang at ang Barangay Santa Rosa Del Norte na prone sa mga flash flood.

Kaya naman ang laging panawagan ng opisyal sa mga residente na maging alerto, magbantay, sumunod sa mga ipinapalabas na mga advisory lalo na Super Typhoon ang Mawar, makiisa at makipagtulungan sa mga barangay opisyal upang maiwasan ang mga aksidente, at ang maging handa rin sa mga pangunahing kailangan tulad ng pagkain, tubig, gamot, flash light at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *