Mag-tiya na may kasong murder sa Laguna, huli sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nakadetene pa hanggang sa ngayon sa custodial facility ng Irosin Police ang mag-tiya na wanted sa kasong pagpatay sa San Pedro, Laguna.

Sa pahayag sa Brigada News FM ng Irosin Police, ang mag-tiya ay hindi pa ibinabalik sa kanilang court of origin.

Kinilala ang mga ito na sina Edward Mate Grecia at Evelyn Grecia Manuyag, 55-anyos kapwa naninirahan sa Purok 4A ng nabatid na barangay.

Una rito, ang mga akusado ay hinainan ng kanilang warrant of arrest noong Hunyo 17, Huwebes sa Brgy San Julian ng nasabing bayan.

Batay sa police report, si Grecia umano ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Luis Manuyag, mister ni Evelyn, sa Jake Subd., San Pedro City, Laguna apat na taon na ang nakakaraan.

Tinitingnang anggulo ng Laguna police na love triangle ang maaaring rason ng naganap na krimen.

Nabatid na ang mag-tiya ay nagkaroon ng relasyon at para maging malaya at sila na ang magsama ay nagsabwatan ang mga ito sa pagpatay sa biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *