Magbabayad ng business permit hanggang sa ika-15 ng Pebrero, walang penalidad – City LGU

Hindi magbibigay ng penalidad ang City LGU sa mga business owners na magbabayad ng business permit sa ika-15 ng Pebrero, ito ang kinumpirma ng pamunuan ng  City Business Permit and Licensing Office (BPLO) Sorsogon.

Sa pahayag ni City BPLO head Rodel Ferreras, sinabi nito na magbibigay ang LGU ng extension sa pagbabayad ng kanilang Mayor’s Business Permit hanggang sa ika-15 ng Pebrero ng kasalukuyang taon nang walang ipapataw na penalidad.

Ibig sabihin, magtutuloy-tuloy ang kanilang pagrerehistro sa mga negosyo kahit pa hanggang Enero 31 ang huling araw ng Business One Stop Shop (BOSS), subalit kailangan nang sadyain ng mga business owners ang bawat tanggapan na kailangan para sa pagcomply ng kanilang mga requirements.

Inaasahan na nasa 3,700 ang bilang ng mga marerehistrong negosyo sa lungsod ngayong taon na may katumbas ng hindi bababa sa P1M Revenue Collection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *