Local News

Magkakahiwalay na Drug buybust operation, ikinasa sa limang bayan ng Camarines Norte nasa mahigit 130k halaga ng iligal na droga nasamsam ng PNP

CAMARINES NORTE- Tinatayang umaabot  sa halagang Php 131,200.00 ang kabuuan ng mga nasamsam na iligal na droga ng mga kapulisan sa magkakahiwalay na drug buybust operation na ikinasa sa limang bayan ng Camarines Norte sa loob lamang ng isang araw

Sa ikinasang operasyon sa Purok-5, Barangay Matnog, Basud, nahuli ang suspek na si alyas Anna, residente ng Purok 4 Bliss Magang, Daet na nakumpiskahan ng humigit kumulang dalawang (2) gramo nagkakahalagang Php 13,600.00 ang mga nakuhang iligal na droga.

Sa kasabay na operasyon, sa Purok-3, Barangay Man-ogob, San Vicente,  isang lalaking tulak ng iligal na droga na kabilang sa Drug Related Data Integration and Generation System (DRDIGS) ng PNP ang nasakote ng mga operatiba na kinilalang si alyas OBET, isang minero at residente ng Barangay Calogcog, Luklukan Norte, Jose Panganiban, tumitimbang ng pitong (7) gramo na may nagkakahalaga ng Php 47,600.00 ang mga nakuhang iligal na droga dito

Timbog naman ang isang 39 anyos na tricycle driver matapos na ito ay magbenta ng iligal na droga sa isang  umaktong poseur buyer sa Magallanes Iraya, Purok-1, Barangay lll, Daet, Camarines Norte. kinilala itong si alyas “Vin”, 39 anyos, residente ng Purok-1, Barangay San Isidro, Talisay, Tinatayang nasa limang (5)  gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa operasyon na may katumbas na halagang umaabot sa Php 34,000.00.

Habang, isang babaeng tulak ng iligal na droga ang nahuli sa Purok-2, Barangay San Jose, Talisay, Kinilala ang suspek na si alyas “Aira”, 18 anyos, dalaga at residente ng Purok-3, Barangay Luklukan Norte, Jose Panganiban, Sa nasambit na operasyon, tinatayang may timbang na 0.1563 gramo  ang mga nakuhang iligal na droga na nagkakahalaga ng Dalawang Libong Piso (Php 2,000.00).

Samantala, Sa Bayan ng Sta. elena naman nadakip ang ikalimang target ng operasyon na kinilalang si alyas “Miguel”, 31 anyos,  isang drayber at residente ng Barangay Magsaysay, Tagkawayan, Quezon. Nakuha mula rito ang nasa limang (5) gramo ng hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halagang Php 34,000.00 at tatlumpo’t talong (33) piraso ng replica ng PHP 1,000.00 bilang boodle money.

Ang mga naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya na ng mga umarestong kapulisan habang inihahanda na ang mga dokumentong kinakailangan para sa paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165 laban sa mga suspek.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago