Magkakarne at Online Seller arestado sa kasong Concubinage

CAMARINES NORTE- Sinilbihan ng warrant of arrest ang isang magkakarne at kinakasama nito sa pamamagitan ng ikinasang manhunt operation ng pinagisang pwersa ng mga otoridad,  ganap na 9:35 ng gabi nitong ika-21 ng Hunyo 2021 sa Purok 1 Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte

Kinilala ang mga akusado sa pamamagitan ng  ibinigay na mga alyas ng pulisya

Ang lalaki ay pinangalanan sa alyas na  “Jay”, 33 anyos, may-asawa at isang alyas “Mary”, 32 anyos na babae, Online Seller, residente ng naturang lugar.

Ang mga nabanggit ay nahaharap sa kasong Concubinage sa ilalim ng Criminal Case no.21-2435 na ipinalabas mula sa sala ni Hon. Judge Ruby Charina O Balmes ng Municipal Trial Court of Daet, Branch 2, Daet Camarines Norte na may petsang Hunyo 7, 2021

Nagkakahalagang P30,000.00 kay alyas “Jay”  at P3,000.00 naman kay alyas “Mary” ang pyansang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito

Ang mga nasabing suspek ay binasahan ng kanilang karapatan o Miranda Doctrine at dinala sa pampublikong Ospital para sa usaping medical.

Ang mga akusado ay kasalukuyang nakakulong sa Daet MPS para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *