Magkapatid na 3 araw nang nawawala sa Camarines Sur , natagpuan na

NAGA CITY – Ligtas na natagpuan kahapon ang dalawang batang lalaking tatlong araw nang nawawala sa bayan ng Libamanan, Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rowel Tormes, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan, bandang alas-11 ng umaga, Enero 24 pa nawalala ang 4 at 7 taong gulang na magkapatid na mga batang lalaki,  kinabukasan na nai-report sa barangay at nitong Enero 26 lamang naipa-abot sa kanilang opisina na may nawawala na palang dalawang bata.

Kuwento ng ama sa kanila na umano’y may kaunting problema sa pag-iisip na siyang nag-aalaga sa magkapatid, mangunguha lamang daw ito noon ng gugulayin at binilin sa  dalawa na magsaing ngunit pagbalik nito wala na ang magkapatid.

Sa search and rescue operations na isinagawa ng opisina katuwang ang ibang ahensya, mula sa Barangay Duang Niog, nakita sa Barangay Busac sa tiyuhin ang magkapatid kung saan bukod sa may distansya, masukal at delikado ang daanan dahil nga bukid na rin sa lugar. Malapit sa natural park na may tubig at kung mahulog posibleng mapahamak.

Agad namang dinala sa ospital ang magkapatid upang matingnan ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Sa ngayon hindi pa malaman ang dahilan ng pag-alis ng magkapatid. Nakahanda naman tumulong ang LGU at Municipal Social Welfare and Development Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *