Magkapatid na NPA, arestado sa Manhunt Charlie Ops sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon

Arestado ang magkapatid na miyembro ng rebeldeng grupong NPA sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon.

Unang hinainan ng warrant of arrest si William Bueno Hubilla, 33-anyos, may asawa, tricycle driver at naninirahan sa P4 Brgy Sta Cruz, Casiguran.

Nahaharap ito sa mga kasong 2 counts of murder na walang itinakdang piyansa, 2 counts of attempted murder na may piyansang P120K bawat isa at 5 counts of frustrated murder na may piyansang P200K bawat isang kaso.

Sa bayan ng Juban ay naaresto si Ramises Bueno Hubilla, 37-anyos, driver at residente ng P1 Brgy Catanagan ng nasabing bayan.

Nahaharap naman ito sa patong-patong na kaso na kinabibilangan ng 3 counts of murder na walang piyansa, 2 counts attempted murder na may piyansang P120K bawat isa at 5 counts frustrated murder na may piyansang P200K bawat isang kaso.

Sa impormasyon na nakalap ng Brigada News, si Ramises ay nagsurender sa 31st IB sa Brgy Rangas, Juban noong 2018.

Ang magkapatid ay sangkot sa nangyaring pagpapasabog at atake sa mga sundalo ng 31st IB noong 2017 sa Brgy Casili, Gubat na ikinasawi ng dalawang opisyal na sina 2Lt Lee Tremidal at Cpl Eugenio Bercasio habang sugatan ang isa pang corporal at 6 na private first class.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *