Magkapatid, pinagbabaril habang natutulog sa Tanauan, Batangas; isa patay, isa sugatan

Dead on spot ang isang 18-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kapatid nito matapos na pagbabarilin ng kapwa nila construction worker sa loob ng barrack sa  Brgy. Pagaspas, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang magkapatid na sina Adrian Torrejas Leon, 18 anyos at Angelbert Leon, 27 anyos, kapwa tubong Compostela, Davao de Oro.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 7:50 ng gabi noong January 15 habang natutulog ang dalawa sa kanilang barrack ay bigla na lamang dumating ang suspek na si Gringo Deliosa, 33 anyos , na dala ang hindi pa nalamang uri ng armas.

Pinagbabaril nito ang biktima na si Adrian na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Agad na nagising ang kanyang nakakatandang kapatid na sunod na pinaulanan din ng bala ng suspek.

Agad na tumakas ang suspek sa hindi nalamang direksyon matapos ang pamamaril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng bala at ang bangkay ng biktimang si Adrian.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang mga biktima at ang suspek ay mayroong hidwaan na nagresulta sa pamamaril.

Pinaghahanap na ang nakatakas na suspek kasabay sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *