Magkasabwat sa krimen na isang dekadang wanted, timbog

SORSOGON CITY – Matapos magtago ng napakahabang panahon, bumagsak na sa kamay ng tracker team ng Juban Police ang magkasabwat sa krimen na ilang dekada nang pinaghahanap sa kasong murder.

Unang naaresto sa Brgy Pag-asa, Imus, Cavite si Bren Tarayo DelSantos, 41-anyos, may asawa, laborer at sunod naman na naaresto sa SM Fairview, QC si Pol Copiaco Gepaya, 29-anyos, binata,, kapwa residente ng Brgy Aroroy, Juban, Sorsogon.

Si DelSantos ay itinuturing na No. 2 most wanted person habang si Gepaya ay nasa rank No. 7 most wanted person ng Juban Police.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na galing sa RTC Br 53 sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Ayon sa ulat, si Gepaya umano ay nagsilbing katulong ni DelSantos sa pagpatay sa biktimang si Salvador Gruta na natagpuang wala ng buhay at may mga tama ng taga sa leeg at ibat-ibang parte ng katawan nito. Ang krimen ay naganap noong taong 2010.

Himas rehas na ang magkasabwat sa custodial facility ng Juban Police.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *