Couple goals! Ganiyan mailalarawan ang magkasintahan na kamakailan ay parehong nagtapos ng Cum Laude sa parehong kursong Mechanical Engineering at sa parehong paaralan sa Rizal Technological University.
Subalit, hindi lamang iyan, dahil nagtagumpay rin sila sa isa sa pinakamasaya at pinakaimporteng parte ng kanilang paglalakbay sa kanilang professional careerโang makapasa sa board exam.
Ngunit, lehitimo nga itong maituturing na couple goals โpagkat, pareho silang nasa topnotcher sa isinagawang 2023 Mechanical Engineer Licensure Exmaination.
Sa facebook post ni Eunice Santiago o ang babae sa magkasintahan, pabiro niya pang sinabi na hindi niya na umano ma-reach ang kaniyang boyfriend na si Reynell V. Sanchez dahil sa nakuha nito ang Top 1 overall.
Samantala, nakuha naman ni Santiago ang ika-6 na puwesto at ang naturang couple goals ay siya namang kinainggitan at hinanangaan ng mga netizens online.###WENCY LISAY