Maglive-in partner, arestado sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

Arestado ang maglive-in partner matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Purok 1 Brgy. Orosite, Legazpi City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Minsoy”, 33 anyos at “Jocelyn”, 32 anyos na parehong mga residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, umaga nang magsagawa ang kapulisan ng anti illegal drug operation laban sa dalawang suspek.

Kumagat sa pain ang mga ito matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang “shabu” sa halagang PHP20,000.

Nang magkaabutan na ng items ay dito na sila inaresto ng pulisya pagkatapos ay nagsipagdatingan na rin ang iba pang otoridad.

Narekober sa mga suspek ang 12 piraso ng nasabing item, timbangan at perang ginamit bilang buy-bust money.

Aabot naman sa PHP400,000 ang halaga ng shabung nasamsam ng mga operatiba.

Sa ngayon, ang mga suspek at narekober na item ay pansamantalang dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *