Maglive-in partner timbog sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Natimbog ng ng mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU) at ng Daet MPSang maglive in partner na pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga dakong alas 8:40 ng gabi nitong Miyerkules sa Purok 1, Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing mga personalidad ay nakilalang sina alyas “Mon”, 32 anyos, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar at  kabilang  sa Regional Recalibrated Data base on illegal drugs ng PNP at ang kinakasama nitong si alyas “Rosa”, 20 anyos, isang entertainer at residente ng Bagong Silang, Caloocan.

Nakuha sa isinagawang operasyon ang mga sumusunod:

  • Isang (1) katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “Shabu” bilang buy-bust item); buybust money na nagkakalahagang Limandaang Piso (Php500.00)
  • Apat (4) na piraso ng pekeng Isanlibong Piso  (Php1,000.00) na lahat may iisang serial number at
  • Isang (1) plastik na pakete na naglalaman ng apat (4) na maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu na nakuha lahat sa pag-aari ni alyas “Mon”.

Tinatayang umaabot sa Php 10,000.00 ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga na may timbang na humigit kumulang dlawang (2) gramo.

Samantala, kakaharapin ng dalawa ang kasong kriminal bilang paglabag sa Section 5 at 11, Artikulo II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *