Magnanakaw ng cellphone at pera sa Puerto Princesa, arestado matapos maabutan ng biktima

Arestado ang isang lalaki na suspek sa pagnanakaw ng isang cellphone at cash sa isang bahay sa Manalo Extension sa Barangay Maunlad, Puerto Princesa City nitong Linggo, ika-16 ng Abril 2023.

Ayon sa negosyante na si Mitch Ramirez, pinasok ng lalaki ang kanyang bahay bandang ala-una ng hapon nang sirain nito ang kandado ng gate.

Inabutan niya pa raw itong lumabas ng bahay kaya dali-dali nyang hinabol hanggang makarating sila sa Manalo St. sa corner ng Macasaet (Brgy. Masipag) kung saan na-videohan ng isang rider ang suspek habang ito ay tumatakas.

Nang ito ay abutan sa bahagi ng Mabini Street ay doon na kinompronta ni Mitch ang lalaki at tinangkang bawiin ang cellphone (realme) subalit tinutukan umano siya nito ng tila isang patalim.

Todo- tanggi ang suspek at naguhubad pa ito nang tanungin na ng isang tricycle driver para ibalik ang kinuhang gadget.

Idinagdag ni Mitch na umabot sa bahagi ng Valencia Street ang kanilang paghabol sa lalaki hanggang ito ay wala nang magawa matapos makorner ng mga tao.

Nabawi rito ang cellphone pero hindi ang dalawang libong piso na nawala sa tabi ng kaha ng bridal boutique ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *