Magnanakaw ng mountain bike, huli sa akto ng may-ari

Nahuli sa akto ng may-ari ang pagnanakaw ng kanyang mountain bike sa De Vera St. Brgy Polvorista, Sorsogon City.

Kinilala ang may-ari ng biseklita na si Malvin Dolot Esureña, 31-anyos, may asawa, isang SK3 member at naninirahan sa Brgy Cogon, Bibincahan, East District lungsod ng Sorsogon.

Nakilala naman ang suspek na si Alexander Galupa Barrios, 49-anyos, binata, walang trabaho at residente ng Brgy Somal-ot, Casiguran, Sorsogon.

Sa salaysay ng biktima, nakapark umano ang kanyang bike sa gilid ng nasabing kalsada habang siya ay nakaduty bilang traffic enforcer.

Napansin niya umano ang isang lalaki na nakasuot ng orange t-shirt at stripe na short pants na palapit sa kanyang nakapark na biseklita.

Subalit, laking gulat niya nang makita niyang tinatangay na ito ng suspek kung kaya’t sinigawan niya, at nilapitan ito at tuluyang inaresto.

Ang suspek ay nasampahan na ng kasong theft sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Nabatid na ang mountain bike ay nagkakahalaga ng P21K.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *