Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Occ. Mindoro

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Occidental Mindoro kaninang 12:00 ng madaling araw, Abril 29, 2023.

 Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng lindol sa 19-kilometer ng southeast ng Looc at may lalim na 74 km.

Tectonic in origin ang naturang pagyanig.

Naitala ang Intensity V sa Sablayan at Rizal, Occidental Mindoro habang intensity IV naman sa San Jose at Paluan, Occidental Mindoro, Puerto Galera, San Teodoro at Calapan City, Oriental Mindoro.

Intensity III naman sa Manila, Las PiƱas, Lipa City, Batangas City, Abra De Ilog at Lubang sa Occidental Mindoro at Alfonso sa Cavite.

Intensity II sa Quezon City, Pasig, Marikina, Makati, at Valenzuela; Bacoor City, Cavite; at Looc, Occidental Mindoro.

Intensity 1 naman sa General Trias City, Cavite. 

Walang naitalang pinsala sa naturang pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *