Magnitude 6.0 na lindol, tumama sa eastern Taiwan

Tumama ang magnitude 6.0 na lindol sa Taiwan’s eastern Hualien county nitong Lunes na may 10 kilometers estimated depth.

Sinasabi na ang naturang bansa ay madalas na nakakapagtala ng lindol dahil malapit umano ang isla sa dalawang tectonic plates.

Hindi naman naglabas ng tsunami warnings dito maliban na lang umano kung maitatala ang magnitude 7.0 na lindol pataas.

Samantala, binigyan ng US Geological Survey ng ‘green ranking’ ang nasabing pagyanig kung saan wala namang naiulat na nasira o namatay. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *