Inamin ni dating Finance Undersecretary Cielo Magno na noong Hulyo pa lamang ay alam na niyang pinasisibak siya sa puwesto ng Malakanyang dahil hindi siya supporter ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Nang ipatupad ang price ceiling sa bigas, nag-post si Magno ng graph tungkol sa law of supply and demand.
Ipinapakita sa graph na maaring magkaroon ng shortage sa suplay ng bigas bunsod ng price cap dahil posibleng i-hoard ng mga negosyante ang bigas kaysa ibenta sa mababang presyo.
Ayon kay Magno, hindi naman pwedeng manahimik na lamang siya para manatili sa pwesto.
Para sa kanya, titulo lamang ang pagiging Finance undersecretary at mas mainam na magbigay ng serbisyo sa taong bayan.
Sa huli, nanindigan si Magno na wakasan ang price cap dahil wala aniya itong idudulot na maganda sa Pilipinas.