Magpinsan na Absalon, nakatakdang ilibing sa Linggo

SORSOGON CITY – Nakatakdang ilibing ang magpinsan na si Kieth, 21-anyos at Nolven Absalon, 38-anyos sa Linggo, Hunyo 13 dakong alas 12:00 ng tanghali o mas maaga pa dito, pahayag ito ng hepe ng Prov’l Civil Security Unit na si Glenn Malnegro.

Inalala pa ni Malnegro na hinabol niya ang oras para makarating sa pinangyarihan ng pagsabog upang makuha ang mga labi ng biktima makaraang mabalitaan niya ang nangyari sa magpinsan.

Ang mga labi ng biktima ay nakaburol sa kanilang bahay sa Brgy Nursery, Masbate City.

Sa kaugnay na balita, pinalabas na ng Masbate City Health Office ang resulta ng awtopsiya sa mga labi ng biktima.

Si Noven ay nagtamo ng dalawang tama ng bala, sa kanang balikat at sa kaliwang hita habang si Kieth ay may tama ng bala sa kanang mata.

Lumabas pa sa autopsy result na ang mga biktima ay namatay dahil sa ‘’hemorrhagic shock secondary to the gunshot wounds and blast injuries’’ dahil sa pagsabog ng landmine.

Kung babalikan, ang magpinsan ay naging biktima ng kalupitan ng rebeldeng grupong NPA nang pasabugin ng mga ito ang anti-personnel mine, umaga noong Hunyo 6 sa Brgy Anas ng nasabing lungsod. Ang lugar ay kasama sa bike trail ng magpinsan at pamilya nang maganap ang pagsabog.

Ang CPP-NPA-NDF ay nagpahayag na  ng kanilang pagsisisi sa insidente na sinasabing ang kanilang hanay ay tinatanggap ang buong responsibilidad at nangakong maglulunsad din ng malayang pagsisiyasat sa pagpatay sa mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *