Magsasagawa ng shooting o taping sa Mexico, Pampanga obligadong magpakita ng negatibong resulta ng swab test

Inoobliga ngayon ng munisipyo ng Mexico ang pagpapakita ng negatibong resulta ng RT-PCT o swab test ng mga nasa audio and visual production, na balak magsagawa ng shooting o taping sa kanilang munisipyo.

Sa executive order no.68 na nilagdaan ni Mayor Teddy Tumang, naka saad na ang lahat ng manggagaling sa Maynila, at kalapit bayan na pupunta sa kanilang lugar para magsagawa ng shooting, taping para sa isang TV show o movies ay kailangang mag presenta ng medical certificate at negative swab test result na may validity na 72 hours.

Kabilang dito ang mga aktres at actor, at production staff.

At kailangan rin munang kumuha ng kaukulang permit sa office of the mayor bago ang kanilang event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *