Magsasaka na may kinakaharap na kaso huli sa SACLEO

SORSOGON CITY – Arestado ang isang magsasaka na may kinakaharap na kaso sa isinagawang ‘simulataneous anti-criminality law enforcement operations’ o SACLEO sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Ang nadakip na magsasaka sa bisa ng arrest order na ipinalabas ng MTC Gubat dahil sa kasong frustrated murder ay nakilalang si Noli Escolano Brin, 55-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Bentuco ng nasabing bayan.

Nagkakahalagang P24, 000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte.

Ang kaso ni Brin ay nag-ugat mahigit 20 taon na ang nakaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *