Magsasakang nasunog ang inaning mais sa San Pablo, Isabela; nakatanggap ng binhi mula DA RFO2

Nakatanggap ng binhi mula sa Department of Agriculture Regional Field Office 2 si Ginoong Elizardo Mallari Sr. ang magsasakang nasunog ang inaning mais sa San Pablo, Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Regional Corn Program Coordinator Paul Vincent Balao, sinabi nito mula sa mga facebook post ay nakarating kay Regional Director Narcisio Edillo ang pagkasunog ng inaning mais ni G. Mallari.

Dahil dito ay nagdesisyon umano ang ahensya na puntahan ang magsasaka at bigyan ng mga binhi bilang bahagi ng kanilang seed distribution program sa ilalim ng Quick Response Fund.

Aniya, unang harvest ito ni G. Mallari at sinabing hindi naman kalakihan ang nasunog sa kanyang mga naani ngunit laki pa rin ang pasasalamat nito sa natanggap na magandang uri ng binhi mula sa DA RFO2.

Bukod ditop ay una nang nakatanggap ng financial assistance si G. Mallari sa Lokal na Pamahalaan ng San Pablo, Isabela.

Samantala, nagbigay rin ng isang sakong bigas at mga delata ang Provincial Social Welfare and Development Office ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *