Maharlika Investment Fund kabilang sa nangungunang legislative agenda ng Senado sa 2023

Kabilang sa nangungunang legislative agenda ng Senado ngayong 2023 ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.

Sinabi ito ni Senate Majority Leader Joel Villanueva habang iniisa-isa  ang mga priority measures na inaasahang gagawin ng upper chamber.

Ang Maharlika Investment Fund, na naglalayong magtatag ng P275-bilyong sovereign wealth fund para sa Pilipinas ay sinertipikahang urgent ni Marcos.

Ipa-prayoridad rin ng senado ang mga hakbang ng administrasyon tulad ng pagtatatag ng Virology Institute, Medical Reserve Corps, at National Center for Disease Prevention and Control.

Uunahin din ng Senado ang institutionalization ng National Employment Recovery Strategy na nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang isang urgent measure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *