Maharlika Investment Fund, lusot na sa 2nd reading ng Kamara

Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang order para i-‘certify as urgent’ ng Kamara ang House Bill 6608 o ang panukala para sa pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa liham ni Marcos kay House Speaker Martin Romualdez, pinamamadali na niya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpasa sa bill na layong gumawa ng sariling sovereign wealth fund ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, ang MIF ay magsisilbing isang ‘strategic mechanism’ para patatagin ang mga investment activities sa bansa.

Idiniin ni Marcos na maliban sa mga top-performing government financial institutions – makatutulong ang MIF para mapabilis pa ang economic growth ng bansa, pati na rin ang social development.

Samantala, maliban sa House Bill 6608 ay pina-certify as urgent na rin ang iba pang mga bills kabilang na ang House Bill No. 6687 o ang pagkakaroon ng National Citizen Service Training Program (NCSTP), at ang House Bill No. 6517 na layon namang amiyendahan ang three-year fixed term sa mga military officials.

Bilang ng mga nag-co-author ng panukala, lalo pang nadagdagan

Muling sumalang sa deliberation at interpolation ng mga Kongresista ang ipinapanukalang House Bill 6608 o ang panukala para sa pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Kaugnay nito, inilahad na rin ang mga bagong probisyon ng panukala.

Kabilang na diyan ang pagsasali sa Philippine Stock Exchange (PSE), at Bankers’ Association of the Philippines (BAP) bilang mga bagong miyembro ng board of directors ng MIF.

Pinataas na rin sa 20 taon mula sa limang taon ang jail time ng mga mapatutunayang magmi-mismanage sa naturang sovereign fund.

Sa ngayon, umakyat na sa 275 mula sa 312 lawmakers ang sumuporta at nagsilbi na ring co-authors ng panukala.

Nadagdagan ito ng dalawang dosenang mga mambabatas mula sa 251 na bilang kahapon.

Mabilis naman na tinapos ang deliberation at inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ang panukala.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *