Maharlika Investment Fund, puwedeng makalusot sa Kamara bago mag-session break

Naniniwala naman si House Majority Leader Mannix Dalipe na bago matapos ang taon ay maipapasa na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang ipinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa ambush interview, sinabi ni Dalipe na isa sa mga principal authors ng panukala na bagamat wala pa silang timeline para sa pagpasa ng batas – maaaring ngayong Disyembre ay mabilis na itong makalulusot sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

READ MORE:

Dahil dito, kaagad aabanse ang House BIll 6398 bago pa mag-break ang sesyon ng Kongreso sa December 17.

Bago pa man ito, una nang sinabi ni House Ways and Means committee chairperson Joey Salceda na tina-target ng Kamara na maaprubahan ang kontrobersyal na panukala sa ikatlo at huling pagbasa sa December 12.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *