Mahigit 1.3 milyon sa Camarines Sur registrado na sa National ID

NAGA CITY- Umabot na sa 1,374,567 ang rehistrado sa Philippine Identification System o PhilSys at sa EPhilID o National ID sa Camarines Sur.

Ito ang nakuhang datus ng Brigada News FM Naga sa Philippine Statistics Authority (PSA)- Camarines Sur. Sa kasalukuyan naman mayroon ng  1,005,133 issued Phil ID and EphilID.

Ayon sa PSA Bicol plano nilang dalhin sa mga paaralan ang registration, layuning mairehistro na rin sa pambansang pagkaka-kilanlan ang mga batang edad 0-hanggang 4 na taong gulang at maging ang mga batang estudyante.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSA Camarines Sur Supervising Statistical Specialist – OIC Raul Aspe na nakikipag-ugnayan na sila sa DepEd Offices. Ipapaliwanag din ang proseso at kahalagahan ng pagpaparehistro, titiyakin din na hindi maisasaalang-alang ang data privacy ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *