Mahigit 1, 500 na trabaho, inihahanda ng isang  US-based company sa planong pagtatayo ng isang medical BPO sa bansa

Mahigit 1, 500 na lokal na trabaho para sa mga Pilipino ang naghihintay sa planong pagtatayo ng medical business process outsourcing sa bansa.

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa United Health Group – Optum, Inc., isang American healthcare services provider na may interes sa teknolohiya, pharmacy care services, at iba pang mga direktang serbisyong pangkalusugan.

Nakasentro ang talakayan sa plano ng Optum na palawakin pa ang kanilang operasyon sa bansa kung saan tutustusan ito ng tinatayang Php 800 million.

Ito ay karagdagang proyekto bukod sa Php 5.1 bilyon na capital expenditure na inilaan ng kumpanya sa kanilang apat ng operating sites sa Pilipinas simula noong 2011.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *