Mahigit 100 BSKE candidates inisyuhan ng showcause orders ng COMELEC

10 araw bago ang Barangay at SK Election nakapag-isyu na ng 341 show cause order ang Commission on Elections sa mga hinihinalang lumalabag sa mga patakaran sa pangangampanya.

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng Comelec laban sa ilegal campaigning ay marami pa rin ang pasaway.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kaya nilang habulin ang mga lumalabag dahil katuwang nila ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan.

Babantayan din ng ahensya ang pangangampanya gamit ang social media at hahabulin ang mga mamimili ng boto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *