Mahigit 100 kidnap victims sa Nigeria pinalaya ng mga kidnappers

Tinatayang nasa 100 na mga kababaihan at mga bata ang pinakawalan matapos ang ilang araw na pagkakadukot sa Zamfara state sa Nigeria.

Ayon sa Zamfara police, karamihan sa mga pinakawalan ng mga abductors ay mga nursing mother nang walang binabayarang ransom.

Dadaan naman sa medical check up at debriefing ang mga nakalayang biktima bago sila payagang makauwi sa kanilang pamilya.

Matatandaan na dinukot ng armadong kalalakihan ang mga biktima mula sa Manawa village noong June 8 ngayong taon.

Base sa report, nagkaroon ng serye ng kidnapping sa Zamfara at mga kalapit na northwestern states ngayong taon kung saan tumaas ang kaso ng kidnap for ransom.

Bagamat marami na ang nakalaya, nanindigan naman ang gobyerno ng Nigeria na wala silang binabayarang ransom sa mga kidnappers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *