LEGAZPI CITY – Mahigit isang daang mga aso at pusa ang naitalang nabakunahan ng libreng bakuna laban sa rabies sa isang barangay sa bayan ng Daraga, Albay.
Ito ay sa pangunguna ng Municipal Agriculture Services Office (MASO) na naglalayong masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Samanatala, sa impormasyong inilabas, sa mga nais ding magpabakuna ng kanilang mga alagang aso at pusa, mayroon nang inilabas na schedule, kung saan sa darating na Abril 18, isasagawa ito sa Brgy. Pandan; Abril 19 sa Brgy. Canarom; Abril 20 sa Brgy. Busay; at sa Abril 21 ay sa Lacag.
Pinaaalalahanan naman ang bawat pet owner na tiyaking dapat 3 buwang gulang pataas ang alagang hayop bago bakunahan; dapat din ay malusog o walang sakit ang hayop na babakunahan; at siguraduhing isang taon na rin ang nakalipas mula nang huli itong mabakunahan.
Pagkatapos mabakunahan, dapat pitong araw muna ang palipasin bago paliguan at labinglimang araw bago ibyahe.