Mahigit 100 na trimoble sa Naga City na walang trashcan, nasita ng CENRO

NAGA CITY – Umabot sa 156 na mga kumakayod na trimobile sa Naga City ang nasita ng mga personahe ng CENRO o ng City Enviroment and Natural Resources Office dahil sa kawalan ng basurahan o trashcan ng mga ito, na maliwanag na paglabag sa City Ordinance sa transportasyon.

Ang pangyayaring ito ay nakarating na rin sa kaalaman ni Bgy. Kagawad Gil Belen, ang Federation President ng Trimobile Operators Drivers Association na halos hindi rin makapaniwala na may ganitong datus ang CENRO sa violations ng kanyang mga kasamahang trimobile driver.

Sinabi niya sa Brigada News FM Naga na muli niyang ipapaalala sa mga driver ang nakasaad sa ordinansa, mula sa personal hygiene, sa pananamit at kailangan nakasapatos, bawal ang naka tsinelas dahil kailangan na maging presentable anya sila habang namamasada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *