Mahigit 100 ticket inisyu sa mga traffic violator sa joint operation ng HPG at LTO kagabi

CAMARINES NORTE- Aabot sa 113 ticket ang inisyu sa mga traffic violator sa joint operation ng Philippine National Police Highway Patrol Group at Land Transportation Office kagabi sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Camambugan at Gahonon dito sa Daet.

Gayunman tatlo lang dito ang naisyuhan ng mas mabigat na Temporary Operators Permit (TOP) at ang karamihan o isangdaan ang nabigyan ng Traffic Citation Ticket na mas magaan ang penalidad.

Ang joint operation ng HPG at LTO katuwang din ang Local Traffic Enforcers  ay bahagi ng Road Safety Month Celebration kung saan mas pinaigting ang implemantasyon ng mga existing traffic laws.

Dati nang sinabi ni HPG Provincial Officer PCapt Miguelio  Borromeo na ang madalas nilang presensya sa kalsada ay hindi lang basta para panghuhuli ng traffic violators kundi disiplinahin ang mga motorista.

Aniya, kailangan ang disiplina upang maging ligtas ang lahat ng mga gumagamit ng kalsada pedestrian man o motorista.

Sa naturang operasyon ay may mga kinumpiska ring illegal attachment sa sasakyan tulad ng mga hindi otorisadong blinker at ilaw.

Marami din ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng seatbelt na may 14, paggamit ng unauthorized helmet may 25, pagmamaneho ng walang lisensya at iba pang mga paglabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *