BNFM BICOL—Nakatakdang isagawa ngayong araw ng Lunes, May 23, 2022 ang “Trabaho Negosyo at Kabuhayan (TNK) Job and Business Fair” sa bayan ng Virac, Catanduanes.
Tampok sa nasabing Job Fair ang nasa 100 mga trabaho at oportunidad, mapa lokal o maging sa abroad dahil na rin sa pakikiisa ng mga local employers sa probinsya gaya ng ARDCI Microfinance Inc., Extendedline Credit Corporation, CENTRO Department Store, Motortrade Topline Inc.at iba pa, habang makikiisa rin ang isang Overseas employer na naghahanap ng mga skilled workers na nais mag trabaho sa Qatar.
Ang TNK Job and Business Fair ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na 6th Abaca Festival sa islang lalawigan na pangungunahan ng DOLE at PESO Office ng Provincial Government Unit.
Paalala ng DOLE sa mga nais maghanap ng trabaho mangyaring magdala lamang ng updated resume at iba pang supporting documents at magtungo sa Catanduanes State University Gymnasium na nagbukas kaninang alas 9:00 ng umaga.###
CAMARINES NORTE - Binitbit ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang…
CAMARINES NORTE - Inilatag ng Department of Public Works and Highways ang listahan ng malalaking…
Nagpatigayun ro Provincial Social Welfare and Development Office – AYC ag Department of Education Aklan…
Nakauli eon sa Aklan ro mga nag intra sa 2024 Western Visayas Regional Athletic Association…
Gusto makarun nga masayran ro presenting sitwasyun it Angelwing Clams o Diwae sa baybayon it…
Masobra sa P1.2 milyong nga balor it shabu ro nakumpiska it kapulisan sa suspek nga…