LEGAZPI CITY – Nasa kabuuang bilang na 1,442 na benepisyaryong binubuo ng mga drivers at operators sa buong Bicol Region ang nakatakdang makatanggap ng fuel subsidy mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ang kinumpirma ni LTFRB Bicol OIC Regional Director Paul Vincent Austria sa Brigada News FM Legazpi. Aniya, ang nasabing bilang ang mga hindi pa nakakatanggap ng subsidy mula sa 4,776 na kabuuang benepisyaryo sa buong rehiyon.
Sa kanilang datos, umabot na rin kasi sa 3,390 ang mga nakatanggap na nito.
Ayon kay Austria, second tranche na ito ng distribution at umaasa silang maibibigay na ang subsidy sa mga benepisyaryong hindi pa nakakakuha.
Ang kanilang distribusyon ay katumbas pa lamang umano ng 69.80% pa lamang kaya’t nagpapatuloy pa rin ang pagtalakay ng kanilang ahensya sa mga hakbang upang mapataas ang distribution rate sa rehiyon.
Matatandaan, inanunsyo kamakailan na ngayong araw magsisimula ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan upang ibsan ang epekto sa kanila ng halos sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.