Nabakunahan na ang mahigit 1,000 bata sa unang araw ng pilot pediatric vaccination laban sa COVID-19.
Nitong Biyernes ay sinabi ng Department of Health na naiulat ng National Vaccine Operations Center ang kabuoang bilang na 1,031 na kabataan na edad 12-17, ang nabakunahan.
Sinabi ng NVAC na karamihan sa mga nabakunahan ay mula sa Philippine Heart Center, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center-Global City, at Pasig City Children’s Hospital.
Mababatid na nasa walong ospital ang napili ng DOH para sa pilot vaccination.
Samantala, hinikayat naman ng DOH ang parehong magulang at ang mga anak nito na makilahok na sa vaccination program ng gobyerno.