Mahigit 1,000 vials ng Pfizer vaccine, dumating sa Polomolok


KORONADAL CITY — DUMATING na sa bayan ng Polomolok, South Cotabato ang 1, 170 vials ng Pfizer BioNtech na Covid-19 vaccine.

Ayon sa Department of Health o DOH-12, nasa anim na doses ang laman ng isang vials ng Pfizer BioNtech o nasa 7, 020 doses.

Inilaan ang nasabing bakuna para sa mga residente ng bayan lalo na sa mga senior citizens at iba pang mga nasa priority groups.

Ang nasabing alokasyon ng bakuna ay para na umano sa dalawang doses ng 3, 510 na mga residente ng bayan.
Ito ang pinaka-unang Pfizer delivery sa Polomolok mula sa DOH-12 matapos nakakuha ang bayan ng 150,000 dose capacity ng ultra low-temperature freezer o ULF sa tulong ng kompanyang Dole Philippines.

Maliban sa Polomolok, kinumperma din ng DOH-12 ang delivery ng 780 vials ng Pfizer vaccine sa Kidapawan City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *