Local News

Mahigit 10k food packs naipamahagi ng DSWD sa mga lockdown areas sa Bicol re: COVID-19

BICOL—Inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Regional Director Leo Quintinilla na umaabot na sa mahigit 10,000 na family food packs ang kanilang naipamahagi sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa rehiyon dahil sa COVID-19.

Bago pa man kasi umano magbaba ng kautusan ang kanilang central office hinggil dito ay nagbibigay na sila ng ayuda sa mga LGU na nangangailangan ng augmentation support para sa mga lugar na apektado ng general lockdown.

Setyembre 13 nang ibaba ng DSWD Secretary Rolando Bautista ang Memorandum Circular No. 11 na nag-uutos sa mga field offices nito na tulungan ang mga LGU sa pagsusupply ng family food packs sa mga apektadong pamilya para naman sa granular lockdown.

Ito umano ay shared responsibility ng ahensya at ng mga lokal na pamahalaan. Ibig sabihin, kung 14 na araw ang lockdown sa isang bahay, compound, Purok, Subdibisyon o Barangay, ang unang pitong araw ay sasagutin ng LGU habang ang natititrang pitong araw ay siyang susuplayan ng augmentation ng DSWD.

Upang maka-avail nito, kailangang maisumite sa kanila ng LGU ang deklarasyon ng lockdown sa isang partikular na lugar kasama ang bilang ng mga pamilyang apektado at ang concurrence ng Bicol Interagency Task Force (BIATF).### || slm, with reports from BNFM Legazpi

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago