Mahigit 11,000 doses ng rabies vaccine, naipamahagi na sa iba’t ibang lugar sa Albay

LEGAZPI CITY – Naipamahagi na ang mahigit 11,000 doses ng rabies vaccine sa iba’t ibang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Albay Provincial Veterinary Office head, Dr. Pancho Mella, ito ay umabot na sa 11,750 kabilang ang mga vaccination supplies.

Dagdag pa niya, nasa mahigit 5,000 na ang mga asong nabakunahan mula sa target na mahigit 64,000 sa buong lalawigan.

Samantala, nababahala naman si Mella dahil alarming umano ang kaso ng rabies sa lugar, kung saan naiulat na may mga K-9 heads na nagpositibo batay sa isinagawang test at matapos may maitalang casualty noong nakaraang taon.

Aniya, tumataas din ang kanilang naitatalang bilang ng mga stray dogs.

Sa ngayon, patuloy ang mahigpit na kampanya ng nasabing na opisina laban sa rabies sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *