Mahigit 120,000, nakapasa sa Licensure Examination for Teachers

Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng October 2022 Licensure Examination for Teachers (LET) sa parehong elementarya at secondary levels.

Sa datos ng PRC, nasa 49,783 mula sa 91,468 o 54.43% ang mga nakapasa ng LET para sa elementary level, habang 71,080 mula sa 139,534 o 50.94% ang mga nakapasa ng LET para sa secondary level.

Kaugnay nito, si Baby Patricia Tabamo Bensi at Maria Catherine Cauba ng Cebu Normal University ang nakakuha sa top spot ng elementary LET sa average score na 94.60 percent, habang si Jessiree Flores Pantilgan naman ng University of Mindanao-Panabo ang top notcher sa secondary LET na may kaparehong rating na 94.60 percent.

Samantala, ideneklara naman ng PRC ang Philippine Normal University bilang top performing school na may 78 mula sa 82 passers at 95.12 percent overall passing rate.

Ang pagsusulit ay ginawa noong Oct. 2 sa 34 testing centers sa buong bansa at sa Bangkok, Thailand.

UPLB- at UP-Visayas, nagtala ng perfect passing rate sa 2022 LET Secondary level

Nakakuha ang University of the Philippines Los Baños (UPLB) at UP Visayas – Iloilo City ng perfect passing scores sa (LEPT) secondary level.

Kaugnay nito, lahat ng 90 at 51 LEPT examinees mula sa UPLB at UPV, ay nakapasa sa board exams na isinagawa noong Oct. 2, batay sa advisory na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC).
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *