Mahigit 123k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang lalaki sa Sariaya, Quezon

Timbog ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga personahe ng Sariaya Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Mamala 2, Sariaya, Quezon nitong Linggo, Abril 2.

Ayon sa report, bandang alas 5:40 ng hapon nang isagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Janil Aguilar, 44-anyos, residente ng naturang lugar matapos makabili ang isang poseur buyer mula sa kanya.

Sa gitna ng operasyon, nasabat mula sa suspek angs siyam (9) na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱123,000.

Nakumpiska rin ang isang 1000-peso bill na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *