Mahigit 12,400 barangay, apektado pa rin ng droga — PDEA

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nananatili paring “drug-affected” ang 12,477 barangay sa Pilipinas.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang naitalang bilang ay binubuo ng 339 seriously affected barangays, 9,192 moderately affected barangays, at 3,946 slightly affected barangays.

Ang mga seriously affected barangays umano ay ang mga lugar na may drug dens at warehouses, habang ang mga nakasailalim sa moderate ay may mga drug pushers at users, habang mga gumagamit lamang ng droga ang nasa slightly affected barangays.

Dagdag pa ni Villanueva, nalinis na ang 22,858 barangay mula sa droga, habang nananatili namang drug-free ang 6,710 na barangay.

Samantala, target ng ahensya na mapababa sa taong 2022 ang drug affectation rate sa Pilipinas ng 32%, ngunit nasa 6% pa lamang ang nakakamit ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *