Mahigit 139,000 sa Camarines Sur bakunado VS Measles Rubella

CAMARINES SUR- Iprenisinta na ng Department of Health Bicol ang opisyal na resulta ng Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Program (MR-OVP SIA) 2023 nitong Mayo na extended hanggang noong Hunyo 2023.

Sa press conference kahapon sinabi ni National Immunization Program Regional Nurse Coordinator Twinkle Jean LorillaΒ  139, 613 o 77.06%ang bakunado sa target saΒ  Measles Rubella vaccine. Habang 18, 956 naman o 76.17% ang nabigyan ng oral polio vaccine sa mga identified priority areas sa Camarines Sur.

Mababatid na tinawid ng mga health care workers ang mga ilog at dagat , pinuntahan ang mga malalayong lugar, inakyat pati mga kabundukan sa programang ito ng DOH para mabakunahan ang mga bata.

Una nang sinabi ng mga eksperto na nakamamatay ang komplikasyon ng naturang mga sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *