Mahigit 13K Square Feet na Pizza, kinilala ng Guinness bilang “Biggest Pizza” sa buong mundo

KINILALA ng Guiness World of Record bilang pinaka-malaking pizza ang 13,990 square feet pizza ng content creator na si Airrack sa pakikipagtulungan ng Pizza Hut  sa  Los Angeles nito lamang January 27, 2023.

Ang nasabing pizza ay ginawa para sa selebrasyon ng pagbabalik ng “The Big New Yorker” ng pizza hut at sa panibagong achievement ni Airrack na maabot ang 10 million subscriber sa Youtube.

Bukod sa laki ng pizza , meron itong 13,653 pounds ng dough ; 4,948 pounds naman ng matamis na sarsa ng marinara; 8,800 pounds ng cheese at 630,496 naman ng regular at cupped pepperoni.

Samantala isa itong record breaker, matapos matalo nito ang huling humawak ng nasabing titulo noong 2012  mula sa Rome, Italy, sa sukat na 13,580.28 square feet.

Dahil sa selebrasyon, diumano’y marami ang nakinabang sa nasabing pizza ipinamahagi ito sa ilang mga charities sa Los Angeles.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *