Mahigit 140K na Philsys ID, naipamahagi na; physical at e-Phil ID pareho lamang ang importansya – PSA Sorsogon

Kabuuang 143, 323 na mga Philsys Physical ID na ang naipamahagi sa lalawigan sa peryodo ng hanggang December 22, 2022 habang 190,279 na mga Electronic ID naman hanggang Pebrero 21 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Sorsogon head Elvira Apogñol kung mas mataas man umano ang bilang ng mga nai-release na Electronic Phil ID, ito’y dahil ang kanilang mga Philsys Registration Center lamang sa bawat munisipyo ang nag-gegenerate ng mga ito kumpara sa Physical ID na ang Philpost ang nangangasiwa sa distribusyon.

Bukod pa sa hindi rin nila nakukuha ang kasalukuyang datos dahil hindi naman umano buwan- buwan na nagsusumite sa kanila ng report ang Philpost.

Kailangan kasi umanong sumulat muna sila sa nasabing tanggapan upang mabigyan ng report lalo pa na ang Memoramdum of Agreement ( MOA) hinggil dito ay sa pagitan ng Philpost at ng kanilang Central Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *