Mahigit 140M na flood control project sa bayan ng Bulan, sinimulan na ng DPWH

Sinimulan na ng DPWH-Bicol ang flood control project sa tabi ng Managanaga River sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Ang proyektong ito ay may kabuuang halaga na P144.7M na pinondohan sa ilalim ng GAA FY 2020-2021 at sumasaklaw sa pagpapatayo ng 1,411.45 linear meters ng dike at floodwall structures at aabot naman sa 1,104.14 linear meters ng earth dike.

Sa pahayag ni DPWH 5 RD Virgilio Eduarte, sinabi nito na ililihis ng proyektong ito ang daloy ng tubig mula sa residential at commercial establishmnets patungo sa Sabang Beach. Kaya naman, maiiwasan nito ang pinsala sa mga buhay at ari-arian.

Dagdag pa ng opisyal na ang pagtatayo ng istruktura ng proteksyon ng ilog, ay hindi lamang maiiwasan ang pagbaha kundi sususportahan din ang lumalagong ekonomiya ng Bulan na pinagkalooban ng mga natural na tanawin na nagbibigay ng daan para sa mga local at dayuhang turista.

Aniya pa, bukod sa pagprotekta sa buhay ay ari-arian ng mga residente, pinipigilan din ng flood control structure ang pagkalugi ng pananim sa pamamagitan ng pagprotekta sa mga lupaing agrikultural na nagbubunga ng palay, copra at abaca fiber mula sa masamang epekto ng pagbaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *