Mahigit 150 na lungsod at bayan, nasa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong #EgayPH

Patuloy pa ring binabaha ang mga iba’t-ibang lugar sa bansa dulot ng Bagyong Egay kaya umabot na sa 154 na mga lungsod at bayan ang nasa ilalim ng State of Calamity.

Idinagdag na rito ang buong probinsya ng Bulacan base sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinamumunuan ni Governor Daniel Fernando.

Ayon sa PDRRMC, Mahigit 172 na barangay sa 16 na bayan sa tatlong lungsod ang apetkado pa rin ng baha na umaabot sa six hanggang seven inches.

Kasunod nito ang panawagan ni Gov. Fernando sa Kongreso na unahin ang madalian at komprehensibong solusyon sa dekadang problema ng pagbaha sa lalawigan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *