Mahigit 1,500 inaresto indibidwal matapos lusubin ang SC at Presidential palace sa Brazil

Umabot sa 1,500 na tao ang inaresto ng Brazilian authorities matapos lusubin ng mga taga-suporta ni dating Brazilian President Jair Bolsonaro ang Congress, presidential palace at Supreme Court sa Brasilia.

Matatandaan na nagsimula ang mga kaguluhan isang linggo matapos manumpa si President Luiz Inacio Lula da Silva.

Binigyang diin ni Lula ang kanyang pagkondena sa terrorist act at tiniyak na mapaparusahan ang mga perpetrators ng kaguluhan.

Sa ngayon ay nagasasagawa ng demonstrasyon ang libu-libong tao sa pinakamalaking lungsod sa Brazil, ang Sao Paulo bilang suporta sa kanilang democratic values

Una nang hindi tinangap ni Bolsonaro ang kanyangt pagkatalo sa eleksyon noong Octubre lalo pa at naging mahigpit ang laban na sinasabing naging dahilan ng pagkakahati ng kanilang mga mamamayan.

Si Bolsonaro ay lumipad patungong America bago pa ang handover noong January 1 kung saan sinasabing na-admit ito sa ospital sa Florida dahil sa abdominal pain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *