Aktibong mga mag-aaral, ito ang bumungad sa amin sa isinagawang pamamahagi ng libreng school supplies sa Amelia Heights Elem. School sa Brgy. New Cabalan, Olongapo City kahapon.
Umabot sa 162 na kabuuang mag-aaral ang nabigyan ng mga kagamitang pang-eskwela habang ang limampu sa mga ito ay benipisyaryo rin ng Libreng Gupit at Yummyvit Multivitamins Syrup.
Kita ang saya sa mga bata na walang tigil sa partisipasyon maging sa mga parlor games.
Ang pamamahagi ng school supplies at libreng gupit ay ikalawang bugso nang isinagawa ng Brigada Group sa lungsod.
Katuwang dito ang 25SAC, 2SAB ng PNP-SAF, PNP-Maritime Group at mga Briganatics.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
