Mahigit 1,600 na pamilya sa Albay, at risk sa landslide – MGB Bicol

BICOL—Nasa 1,676 na mga pamilya sa lalawigan ng Albay ang nasa panganib ng landslide ngayong panahon ng tag-ulan base sa pinakahuling mapping ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Bicol.

Pinakarami sa mga ito ay nasa bayan ng Tiwi na nasa 575, sumunod ang bayan ng Libon na may 320 at bayan ng Polangui na may 135 pamilyang at risk sa landslide.

Ayon kay Geosciences Division Chief Arlene Dayao, alam na ng mga barangay kung aling mga pamilya ang nasa panganib ng landslide dahil binibigyan nila ang mga ito ng threat advisory pagkatapos ng kanilang mapping.

Inirekomenda umano nila sa mga ito na lahat ng mga nasa high risk families ay kailangang mairelocate oras na magkaroon ng pondo.

Sa ngayon ay patuloy pa ang kanilang updating kung saan ilan sa pinakahuli nilang nabisita para sa mapping ay ang bayan ng Camalig at Malinao nitong Marso. Ang hindi na lamang umano napupuntahan ay ang islang bayan ng Rapu-rapu.

Samantala, nilinaw ni Dayao na posible pa ring mag reactivate ang mga dating landslide areas na naimapa noon pero naging inactive sa ilang panahon.

Bunsod nito, makakatulong anya ang ilang mga slope destabilization measures depende sa klase ng lupa o bato na nasa lugar.

Maaaring sa pamamagitan ng rock bolting, paglalagay ng riprap o kaya rock nets gaya ng nasa mga gilid ng kalsada sa bayan ng Tiwi papunta sa bayan ng Sagñay sa Camarines Sur.

Maaari ring maglagay ng cocomesh o coco coir para tubuan ng halaman at mas kumapit ang lupa.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *