Mahigit 180K doses ng bakuna naiturok na sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Iniulat ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO) na may kabuuang 185,103 doses ng Covid-19 vaccines ang naiturok na sa mga Sorsoganon sa ilalim ng BidaBakuna Vaccination Program sa tulong ng mga health care workers.

May kabuuang 91,585 ang nabakunahan na ng first dose, habang may 57,751 naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Sa kabuuan, may 93,518 ng target population ang maituturing na fully vaccinated na. Kabilang na rito ang mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen na umabot sa 35,767.

Ayon sa mga health authorities, malaking bagay ito lalo na ngayong may cumulative 15 cases ng Delta variant sa lalawigan, bukod pa ito sa isang bagong naitalang kaso ng Beta variant noong Oktubre 14.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *