Mahigit 2 milyon halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang high value individual sa Lucena City

Walang kawala ang isang high value individual matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City nitong umaga ng Linggo, Setyembre 24.

Kinilala ang naarestong suspek sa pangalang Khristian Joy Medina, alyas “Tigas”, 30-anyos, residente ng naturang lugar at dati ng nasangkot sa kaso ng droga.

Sa isinagawang operasyon, nasabat kay Medina ang mahigit 135 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱2.7 million.

Nasamsam rin mula sa suspek ang sampung (10) 1000-peso bill na ginamit bilang buy-bust money, isang (1) itim na belt nag at dalawang (2) transparent plastic bag.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad si Medina na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *